Sunday, September 26, 2010

Beware of Them!

I never knew I would experience what I had seen on TV 2 years ago...

Galing ako sa bahay nila Janah kahapon. I think past 7:30pm na kami nkauwi nila Krizzia, Clarice and Gela. So ayun, sa Espana Blvd na ko nun and I chose to ride a bus kasi within 30-40 minutes sa bahay na ko, unlike sa jeep, 1 hour pa bago ako mkrating dun. Kasi nman sa may Visayas Ave. pa ko nkatira (malapit sa elliptical Road, sa Quezon Memorial Circle).

Ayun, sumakay ako sa bus, I forgot the name of the bus line, tapos sa QC Hall ang baba. Nung malapit na ko sa may sakayan ng jeep papunta Visayas (sa may NHA), tumayo na ako. Medyo weird dun nung malapit na ko sa pinto ng bus, bigla dumami yung mga lalaki na bababa at lahat sila nakapalibot sa ken.. O_o

THen there's a guy wearing back shirt, siguro between 25-35 years old, na parang naiinis, sabi nya, "Excuse me." (di ko pinansin), then, "Hoy, miss! Excuse me. Paharang harang kasi bababa nga ako." Tapos sabi ko, "Teka lang di ba?" Tapos, all of a sudden, naalala ko yung napanuod ko sa Imbestigador dati. I immediately look at my backpack, and poof!!! Ayun, nakita ko yung kamay nung lalaki, na nasa left ko, nakapasok sa bag ko. Syempre, hinila ko kagad. Then, when they notice na nalaman ko modus operandi nung mga gagong yun, sumibat sila ng baba before mag- City Hall!!!

Sobrang na-shock ako nun! Kya natigilan lang ako..

So ganito modus nila. Hindi sila sabay-sabay sasakay ng bus, sa different places sila manggagaling. Then, mag-iisip sila ng target! Mostly, girls! Then, pag nakatayo na yung victim nila, sabay-sabay sila tatayo kung nasan yung victim. Sa kanan (or pwede rin sa left), may magpupush sayo papunta sa kaliwa (or it could be to right), pwede sya mag-act na naiinis na pasahero na bababa dahil nkharang ka sa dadaanan nya (just like what happened to me). Then, while it is happening, the other men will open your bag and get anything valuable, cellphone, wallet, etc!

If you're gonna ask if may nakuha sila saken,...WALA! Mali sila ng biniktima, malaki backpack ko kya kelangan pa tanggalin yung nsa ibabaw para makita cellphones ko..Yung pera ko nman nsa hidden pocket sa loob ng bag! Hahaha! So GIRLS, BEWARE!!!
This is the dark side of Metro Manila!
Mind your belongings!
(And kung gusto nyo saksakin yung mga gagong yun, don't hesitate and do it fast!)

Search This Blog

Sorry Sorry-Answer MV